Cotabato – Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mga ilegal na baril sa ikinasang checkpoint ng mga awtoridad sa sa Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato bandang 12:00 ng tanghali nito lamang Disyembre 11, 2023.
Ayon sa ulat ng Pikit Municipal Police Station, sa gitna ng pag-inspeksiyon sa mga suspek na sina alyas “Alfredo”, at “Jose”, tumambad sa mga awtoridad ang dalawang yunit ng caliber .45 pistol na may mga kasamang magazine at mga bala.
Bigo namn ang dalawang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento sa dala nilang baril kaya agad inaresto ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Mahigpit na babantayan ng Pikit PNP ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.