Sultan Kudarat — 10 miyembro ng New ‘s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Lower Gumban, Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat nito lamang Disyembre 13, 2023.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Bitala”, “Amakan”, “Ulayan”, “Rex”, “Amad”, “Atan”, “Langaw”, “Dali”, “Blal”, at si alyas “Lal”.

Napag-alaman na pawang mga miyembro ng Platoon Cherry Mobile Front Guerilla Daguma ng Far South Mindanao Region (FSMR) at pawang mga residente ng Brgy. Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Pahayag naman ng mga sumuko na marami ang ipinangako sa kanila ng teroristang grupo na hindi natupad. Hanggang sa dumating sa puntong nawalan na sila ng pag-asa dahil sa patuloy na hirap na kanilang dinaranas sa kilusan.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang yunit ng improvised M203 at isang Cal. 38 revolver.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA Na sumuko, magbalik-loob sa pamahalaan at magsimulang muli kasama ang kanilang mahal sa buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *