South Cotabato – Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company Headquarters, Sitio Sto. Nino, Brgy. Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang Disyembre 14, 2023.

Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Arce/Eric”, 18-anyos, residente ng Caloocan, Koronadal City, South Cotabato at si alyas “Roy”, 40, na residente naman ng Brgy Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.

Napag-alaman na ang dalawa ay miyembro ng South Regional Command Daguma ng Far South Mindanao Region.

Ang paghina ng komunistang grupong NPA ay resulta ng malawakang kampanya ng pamahalaan upang hikayatin ang natitirang miyembro na magbalik-loob upang makasama ang kanilang mahal sa buhay lalo na sa darating na pasko at bagong taon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *