Maitum, Sarangani – Sumuko ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Brgy. Pangi, Maitum, Sarangani Province nito lamang Disyembre 14, 2023.
Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Cesar”, 34-anyos at alyas “Ben”, 40-anyos, na pawang mga residente ng Brgy Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Napag-alaman na isinuko rin ng dalawang NPA members ang dalawang Rifle Grenade, at isang homemade 5.56mm Caliber na may kasamang magazine at anim na bala.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya.