Matatagpuan sa puso ng Barangay Salumping sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat ang Fekung Bula—isang likas na paraisong unti-unting sumisikat sa mga mahilig sa kalikasan at adventure.

Kilala ito sa malamig at malinaw na tubig na nagmumula sa ilalim ng mga naglalakihang bato, na tila baga ay isang natural na spring na bumabalot sa paligid ng kasariwaan at katahimikan.

Bukod sa malamig na tubig, tampok din dito ang luntiang kagubatan na pumapalibot sa lugar.

sAng mga bisita ay maaaring mag-hiking patungo sa Fekung Bula, kung saan mararanasan ang pakikipagsapalaran sa gitna ng kabundukan.

Isa itong perpektong lugar para sa mga nagnanais humiwalay muna sa ingay ng lungsod at muling kumonekta sa kalikasan.

Ang Fekung Bula ay hindi lamang isang destinasyon para sa mga turista, kundi bahagi rin ng pamana at kultura ng mga lokal na naninirahan sa lugar.

Para sa kanila, ang Fekung Bula ay isang sagradong pook na dapat ingatan at ipagmalaki. Dahil dito, patuloy ang kanilang pakikiisa sa mga hakbang upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lugar.

Sa pagdami ng mga bumibisita, hinikayat ng lokal na pamahalaan at mga environmental groups ang responsableng turismo upang mapanatili ang likas na kagandahan ng Fekung Bula.

Sa mga darating na taon, inaasahan na ito ay magiging isa sa mga pangunahing destinasyong eco-tourism sa rehiyon—patunay na tunay ngang may mga itinatagong hiyas ang Sultan Kudarat na naghihintay lamang na matuklasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *