Matagumpay na isinagawa ang Anticipatory Humanitarian Action sa Barangay Kabakab, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Hunyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Plan International Pilipinas sa temang “Pagtitibay ng mga Estruktura para sa Anticipatory Humanitarian Action para sa Gender-Responsive at Inclusive Disaster Management sa Pilipinas” katuwang ang Upi Municipal Police Station, na naglalayong, mapalalim ang pag-unawa ng mga lokal na awtoridad at mamamayan hinggil sa mas maagap, makatao, at inklusibong pagtugon sa mga banta ng kalamidad.
Ang partisipasyon ng PNP sa ganitong mga inisyatibo ay nagpapakita ng patuloy na pagbibigay-serbisyo sa mamamayan tungo sa pagkamit na inaasam na kaunlaran.

