Pinangunahan ng Davao Regional Medical Center (DRMC) ang bloodletting activity sa NCCC Mall, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Hunyo 27, 2025.
Aktibong lumahok ang mga tauhan ng Santo Tomas Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP) 11, at mga lokal na residente.
Ang aktibidad ay isinagawa upang makalikom ng karagdagang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transfusion, lalo na sa mga emergency cases at operasyon.
Bukod sa pagbibigay ng dugo, layunin din ng programa na hikayatin ang mas maraming mamamayan na maging regular na blood donors.
Ayon sa kinatawan ng DRMC, malaking tulong ang aktibong partisipasyon ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP at BFP sa mga ganitong aktibidad.
Patunay ng kanilang malasakit hindi lamang sa kaligtasan ng publiko kundi pati sa kalusugan at kabutihan ng komunidad.
Nagbigay din ang mga medical staff ng paalala ukol sa mga benepisyo ng regular na pagdo-donate ng dugo, kabilang ang pagpapabuti ng sirkulasyon, pagtulong sa paggawa ng bagong dugo, at pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.
