Narekober ang tinatayang P760,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Bauyan Border Control Point, Barangay Bauyan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte noong Hunyo 27, 2025.
Narekober ng Lanao del Norte PNP mula sa inabandonang isang metallic gray Toyota Innova ang anim na master cases ng White New Far cigarettes, 12 master cases ng White Canon cigarettes, at isang cellophane na may 50 reams ng White New Far cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P760,000.00.
Patuloy ang PNP sa pagsugpo sa iligal na aktibidad sa komunidad sa tulong at kooperasyon ng mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.