Sugatan ang isang ginang matapos na mabiktima ng pamamaril sa Purok Talitay, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City nito lamag ika-29 ng Hunyo 2025.

Kinilala ang biktima na si Fatima Salim Matiman ,38 anyos, habang kinilala naman ang suspek na si alyas “Rody” 30, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nag-iigib lamang ang biktima sa labas ng kanyang bahay ng bigla na lamang itong binaril ng suspek.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Dagdag pa ng PNP, personal na alitan ang nakikita na maaring motibo ng suspek sa pamamaril.

Patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang suspek upang managot sa krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *