Umarangkada ang Pabahay Project ng Revitalized Pulis sa Barangay sa Barangay Bulacan, Payao, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-29 ng Hunyo, 2025.

Pinagunahan ng Payao Municipal Station sa pangunguna PEMS Ismael Abad Sayade, MESPO, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Manolo To Echem, Officer-In-Charge ang nasabing aktibidad.

Ito ay bahagi ng Revitalized Pulis sa Barangay: Adopt-a-Family Pabahay Project na may layuning tulungan ang mga napiling benepisyaryo na nangangailangan ng permanenteng tirahan.

Ang partikular na nakatanggap ng tulong ay si Ginoong Antonio Dindin, isang dating drug surrenderer ng nasabing barangay at matagal nang walang permanenteng tirahan.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagtalima ng PNP sa adbokasiyang makatao at makabuluhan para sa muling pagbabalik-loob at muling pagbangon ng mga dating naligaw ng landas, tungo sa isang mas maayos at ligtas na pamumuhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *