Isinagawa ang Davao City Police Office Market Day na may murang pamilihan na isinagawa sa loob ng Camp Captain Domingo E. Leonor, Davao City sa ilalim ng programang Davao City Police Office Market Day katuwang ang City Agriculturist’s Office bilang bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program: “KNP Store to PNP Camps.” nito lamang Hulyo 2, 2025.
Layunin ng aktibidad na bigyang-daan ang mas madaling access ng mga pulis at kanilang pamilya, pati na rin ng mga residente sa paligid ng kampo, sa murang produkto mula sa mga lokal na magsasaka.
Ang City Agriculturist’s Office ang nagsilbing pangunahing katuwang ng Davao City PNP sa pagtitipon ng mga nagtitinda at lokal na producer na direktang nagdala ng kanilang mga ani sa pamilihan.
Tampok sa Market Day ang mga sariwang gulay, prutas, halaman at iba pang pangunahing bilihin na mas mura kumpara sa karaniwang presyo sa merkado.
Ayon sa City Agriculturist’s Office, ang ganitong mga aktibidad ay malaking tulong hindi lamang para sa mga mamimili kundi lalo na para sa mga magsasakang Dabawenyo na direktang nakikinabang sa pagbebenta ng kanilang produkto.


