Matagumpay na naisagawa ang 2nd Joint BARMM Mindanao Humanitarian Meeting sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City nito lamang ika-1 ng Hulyo 2025.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, mga kawani ng humanitarian NGOs, at mga personahe ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga naging insidente kaugnay ng 2025 National at Local Elections; kalagayan at mga ginawang aksyon sa panahon ng kalamidad; epekto ng mga kamakailang weather systems sa BARMM; at pagpapalakas ng kahandaan ng humanitarian response para sa nalalapit na unang Parliamentary Elections ng BARMM.
Layunin ng pagpupulong na maiwasan ang anumang insidente na maaaring makasagabal sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa rehiyon.
