Patay ang isang titser ng Balabagan Trade School matapos pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek nito lamang umaga ng Lunes, Agosto 4, 2025.
Kinilala ang biktima na si Danilo Barba.
Nabatid na papasok na sana sa paaralan ang biktima nang bigla na lamang itong nilapitan ng suspek at pinagbabaril sa ulo na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Agad naman tumakas ang suspek at patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Balabagan Municipal Police Station, upang malaman ang motibo ng krimen at nanawagan ng kooperasyon ng mamamayan upang maresolba at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima.