Idinaos at pinatunayan ng mga batang Tagumenyo na wala sa edad ang pagiging madiskarte at masipag, matapos na ipinamalas ang kanilang gawang produkto sa ginanap na product selling noong Agosto 15, 2025 sa loob ng Tagum Cooperative Building, Tagum City, Davao del Norte.

Ang mga batang ito ay bahagi ng Kids Entrepreneur Bootcamp na inorganisa ng City Public Employment Services and Capability Development Office (CPESCDO).

Sa programang ito, tinuruan ang mga kabataan kung paano gumawa ng sariling produkto at kung paano ito maibebenta sa tamang paraan—isang pagsasanay sa pagiging responsable at mapanagutang mamamayan.

Layunin ng aktibidad na mahubog ang entrepreneurial mindset ng mga kabataan, at maitanim sa kanilang kamalayan ang kahalagahan ng sipag, tiyaga, at wastong paggamit ng pera.

Sa ganitong paraan, mas maaga pa lamang ay natuturuan na kung paano tumayo sa sariling paa at pahalagahan ang bawat sentimong kinikita.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *