Himas rehas ngayon ang isang dayuhan matapos gumawa ng bomb joke habang sakay ng eroplano sa Laguindingan Airport, Misamis Oriental noong ika-20 ng Pebrero 2024.

Ayon kay Job De Jesus, Laguindingan Airport Manager, nang pababa sa Cebu ang mga 73 pasahero na sakay sa DG 6723 mula sa Mactan ay tumayo ang isang US Citizen para kunin ang kanyang bagahe at biglang nagbitaw ng salita na “I can shoot you all, and I can trigger the bomb”, na nagresulta ng pagka-alarma ng lahat.

Agad namang ipinaalam sa mga kinauukulan ang insidente kung saan agad nagsagawa ng K9 paneling ang PNP Aviation Security Unit at CAAP Security and Intelligence Unit at sinuri ang lahat ng bagahe ng mga pasahero na pawang wala namang indikasyon ng bomba.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng PNP AVSEU 10 Headquarters ang dayuhan ng Laguindingan Airport para harapin ang kaukulang parusa sa ginawa nito.

Muli namang nagpaalala ang Laguindingan Airport Manager sa lahat ng mga pasahero na hindi dapat gawing biro ang tungkol sa bomba sapagkat nagdudulot ito ng pagka-alarma ng mga tao at ang gagawa nito ay paparusahan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727 ng mahigit limang taon na pagkakakulong o multa na hindi hihigit sa Php40,000.

Panulat ni Ber

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *