Bilang pag-abot ng pakikiramay ay personal na bumisita si Bise Presidente “Inday Sara Duterte” sa burol ng isa sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Lanao del Norte nito lamang ika-22 ng Pebrero 2024.
Matatandaan na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at ng Dawlah Islamiya Maute Group noong ika-18 ng Pebrero sa Munai, Lanao del Norte na siyang naging sanhi ng pagkasawi ni Cpl Reland Tapinit.
Sa pagbisita ni “Inday Sara” ay kanyang ipinaabot ang kanyang lubos na pakikiramay sa pamilyang naulila ni Cpl Tapinit at nagpasalamat sa pamilya ni Tapinit sa serbisyo na kanyang ibinigay para sa bayan.
Isang patunay na totoo ang banta ng terorismo at wala itong pinipiling biktima, kaya naman ang pamahalaan ay kaisa ng mga kasundaluhan at kapulisan ay naglulunsad ng mga aktibidad at programa kontra terorismo para sa patuloy na pagpapanatili ng ligtas at mapayapang bansa para sa mga mamamayang Pilipino.