Pinagtatanggal na ng Chinese Coast Guard ang mga Floating barrier na sila mismo ang naglagay kamakailan lamang sa Bajo de Masinloc nito lamang nakaraang Linggo. Iyan ay ayon sa pahayag ng National Security Council (NSC) matapos maispatan ng Philippine Coast Guard ang nasabing floating barriers kasunod ng isinagawang resupply mission na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Dagdag pa ng NSC, marahil natakot ang mga Chinese Coast Guard na puputulin uli ng Pilipinas sa pangalawang pagkakataon ang naturang mga Floating barriers.

Matatandaan noong Setyembre nang nakaraang taon ng pinagpuputol ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang naunang inilagay na mga floating barriers ng Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc o kilala rin sa tawag na Scarborough Shoal. Ito ay matapos magbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos na tanggalin ang mga ito sapagkat ilegal ang naturang paglalagay ng floating barriers ng mga dayuhan.

Nanindigan naman ang mga awtoridad na lehitimo ang karapatan ng ating bansa hindi lamang sa Bajo de Masinloc pati na rin sa iba pang mga isla sa West Philippine Sea. Tiniyak din nila na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagbabantay sa nasabing mga isla alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *