Idinaos ng mga Kagay-anon ang taunang Pista ng Itim na Nazareno nito lamang Enero 9, 2025 sa Cagayan de Oro City.
Isang makulay at masiglang pagtitipon ang naganap kung saan ang mga deboto ay lumalahok sa pagdadasal, naghandog ng mga alay, at paglakad sa kalsada upang makasama sa prusisyon ng nasabing imahe.
Habang idinaos ang nasabing translacion ay kasama ding nagbigay ng seguridad ang mga tauhan ng Police Regional Office 10, kasama ang kasundulahan upang matiyak ang kaligtasan at payapa na pagdiriwang ng Itim na Nazareno.
Ang Pista ng Itim na Nazareno ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at ang pagkakaisa ng bawat Pilipino sa kabila ng pagsubok sa buhay.
