Isinagawa ang mangrove at coastal clean-up drive sa Glan-Padidu Glan, Sarangani Province nito lamang Martes, Enero 7, 2025.

Ito ay pinangunahan ng Radio Mindanao Network Foundation at Maritime Police Station-Sarangani Province, kasama ang mga miyembro ng Catropa, Sarangani MPA Guards.

Isa sa mga tampok na bahagi ng aktibidad ang pagtanim ng 1,000 mangrove propagules sa baybayin ng Glan at coastal clean-up drive, kung saan nagbigay ang mga volunteers ng kanilang oras at pagsisikap upang linisin ang mga basurang naipon sa baybayin.

Ang pagtutulungan ng mga lokal na ahensya at mga indibidwal ay nagpatibay ng layunin na mapanatili ang likas na yaman ng baybaying-dagat at mapabuti ang kalikasan sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *