Isa ang kompirmadong nasawi habang dalawa naman ang sugatan sa pamamaril nito lamang ika-8 ng Enero 2024 sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.
Kinilala ang mga biktima na sina Ahmad Kanapia Utto, 25 anyos, dead-on-arrival; Marato Angkatan Felmin at Jaypee Felmin Emran, parehong nagtamo ng sugat at kasapi ng 105th Base 15th Brigade ng MILF.
Lumalabas sa imbestigasyon, na sakay ang mga biktma ng Toyota Hilux Pick up patungo sa direksyon ng Sinsuat Avenue nang biglang dumating ang suspek at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima at agad tumakas matapos ang krimen.
Narekober sa crime scene ang walong piraso ng Fired Cartridges mula sa Caliber. 45 pistol.
Personal grudge ang nakikitang motibo ng PNP sa nangyaring pamamaril kaya nanawagan sa mamamayan ng kooperasyon at tulong upang managot ang nasa likod nito.