Umaarangkada ang Business One-Stop Shop (BOSS) ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela de Basilan sa naturang lungsod nito lamang Enero 7, 2025.

Nagsimula nang tumanggap ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng mga aplikasyon mula sa mga negosyante sa lungsod.

Pinaalalahanan ng BPLO ang mga negosyanteng nagbabalak kumuha o mag-renew ng kani-kanilang business permits na dalhin ang mga kinakailangang dokumento para mapabilis ang proseso ng kanilang mga aplikasyon.

Inaasahang magtatagal hanggang Enero 20 nitong taon ang BOSS ng lungsod na matatagpuan sa Ground Floor ng Isabela City Hall.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *