Matapos ang pagdagsa ng mga tao sa Bankerohan Public Market nitong nakaraang kapaskuhan, isinagawa ang isang malawakang cleaning at flushing operation upang tiyakin ang kalinisan at kaligtasan ng lugar nito lamang Enero 8, 2025.
Pinangunahan ito ng Ancillary Services Unit ng Pamahalaang Lungsod ng Davao, katuwang ang iba’t ibang ahensya tulad ng CDRRMO (City Disaster Risk Reduction and Management Office), CTTMO (City Traffic and Transport Management Office), CENRO (City Environment and Natural Resources Office), at CEO (City Engineer’s Office).
Unang nilinis ang mga kanto, sinundan ng mga espasyo sa loob ng palengke, at pagkatapos ay ang drainage system.
Ang pagpapabuti ng drainage system ay mahalaga upang maiwasan ang pagbaha at iba pang mga problema sa kalusugan dulot ng stagnant water.
Layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Davao na tiyakin ang isang malinis at ligtas na kapaligiran hindi lamang para sa mga mamimili at nagtitinda, kundi pati na rin para sa kanilang mga pamilya at sa mga komunidad na nasa paligid ng lugar.


