Matagumpay na naisagawa ang Gender Sensitivity Training Seminar noong ika-4 ng Enero 2025 sa Indanan Complex Kajatian, Indanan, Sulu.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Indanan Municipal Gender and Development Office, katuwang ang 34 Barangay Violence Against Women and their Children Desks at ang Indanan Municipal Police Station.

Layunin ng seminar na magbigay ng kaalaman at kamalayan tungkol sa gender sensitivity upang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa pagsusulong ng gender equality at karapatang pantao.

Tinalakay sa seminar ang mga mahahalagang isyu tulad ng diskriminasyon, gender roles, at ang papel ng bawat isa sa pagtataguyod ng pantay na pagtingin sa kalalakihan at kababaihan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *