Dead-on-the-spot ang isang lalaking negosyante nang pagbabarilin sa Kilometer 30, Barangay Kibleg, Upi Maguindanao del Norte nito lamang ika-6 ng Enero 2024.

Kinilala ang biktma na si Edwin Valdez, residente ng nasabing lugar.

Sakay ang biktima ng kanyang motor na Honda CRF at pauwi na nang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktma na naging sanhi ng agarang pagkasawi nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP ukol sa insidente upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *