Matagumpay ang isinagawang seremonya ng Turn-over at Pagbasbas ng mga mountain bikes na ginanap sa Parade Grounds, Camp Hamac, Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte nito lamang ika-7 ng Enero 2024.

Pinangunahan ni Police Colonel Ranier P Diaz, Provincial Director ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office, ang seremonya. Dumalo sa nasabing programa si PAGPTD Chairman Engr. Rolando Soliva at pinangunahan naman ni Rev. Fr. Rodrigo Zafra ang pagbabasbas.

Opisyal nang ipinamahagi ang mga mountain bikes sa mga Chiefs of Police ng Dapitan City Police Station, Dipolog City Police Station, Sindangan Municipal Police Station, Liloy Municipace Station, at Siocon Municipal Police Station.

Ang mga bisikleta ay nakuha mula sa mga nalikom na pondo ng katatapos lang na Provincial Director’s Cup at Shooting Competition.

Layunin ng mga bagong mobility assets na ito na mapabuti ang kakayahan ng Zamboanga del Norte PNP sa pagsasagawa ng bicycle patrols, na magbibigay-daan para sa mas mabilis at mas epektibong pagtugon sa mga lugar na mahirap maabot ng mga patrol vehicles o masyadong malawak para sa foot patrols.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *