Naitala ang 4.3-magnitude na lindol sa probinsya ng Tawi-Tawi bandang 12:08 ng tanghali nito lamang Huwebes, Enero 9, 2025.

Ito ang saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid na ang epicenter nito ay 354 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sapa-sapa, Tawi-tawi na may lalim na 87 kilometro.

Walang dapat ipag-alala ang publiko ayon sa Phivolcs dahil walang aasahang aftershocks ng naturang pagyanig.

Courtesy: Phivolcs Facebook

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *