Timbog ang isang illegal job recruiter sa ikinasang joint operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) 10 at Talisayan Municipal Police Station sa Barangay Kalamkam, Talisayan, Misamis Oriental noong ika- 7 ng Enero 2025.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Mae”, 31 anyos, babae, residente ng Barangay 12, Gingoog City, Misamis Oriental.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Illegal Recruitment sa ilalim ng R.A. No. 10022.
Ang suspek ay inaresto matapos ang pagkolekta ng salapi sa mga biktima kapalit ng pagkakataong makapagtrabaho abroad.
Napag-alaman din na ang suspek ay dating nakulong sa parehong pagkakasala noong Pebrero ng nakaraang taon.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng katahimikan at kaayusan sa ating pamayanan tungo sa pagkamit ng isang maunlad at payapang bansa.