Isa sa mga pinakabinibigyang-buhay na tampok ng Diyandi Festival 2025 ang makulay na Indigay sa Lechon, isang tradisyunal na kompetisyon kung saan ipinaparada at ipinapakita ang iba’t ibang klase ng lechon na ipinagmamalaki ng mga Iliganon.

Ang bawat kalahok ay nagpasiklaban hindi lamang sa lasa at linamnam ng kanilang inihaw na baboy, kundi pati na rin sa malikhaing presentasyon at dekorasyon.

Ang aktibidad ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa, kasaganahan, at masiglang tradisyon ng komunidad. Bilang alay kay Señor San Miguel, patron saint ng Iligan, ang selebrasyon ay nagiging patunay ng patuloy na pamana ng pananampalataya at kultura ng mga Iliganon na taon-taon ay binibigyang saysay sa pamamagitan ng kasiyahan at pagsasalo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *