Narekober ang isang granada (MK2) sa Purok Bagong Silang, Barangay Salabaca, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 22, 2025.
Nabatid na nakadiskubre ang granada ng dalawang menor-de-edad habang naghuhukay sa basura malapit sa kanilang bahay at agad itong pina-alam sa kanilang ama.
Agad na iniulat ng kanilang ama sa Punong Barangay ang insidente at ipinagbigay-alam ito sa mga tauhan ng Esperanza Municipal Police Station.


Agad nagsawa ang Sultan Kudarat-Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit at isinagawa sa safety procedures at narekober ang nasabing corroded fragmentation hand grenade (MK2).
Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang pinagmulan ng nasabing pampasabog. Hinikayat din ng mga awtoridad ang publiko na agad magsumbong kung may makitang kahina-hinalang bagay na posibleng magdulot ng panganib.