Ipinamahagi ng mga tauhan ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office ang relief goods para sa mga residenteng lubos na naapektuhan ng pagbaha dulot ng walang tigil ng pag-ulan dahil sa epekto ng bagyong Ompong nito lamang Setyembre 27, 2025 sa Gen Salipada K Pendatun, Maguindanao del Sur.

Ito ay pinangunahan ni Police Captain Sandique L. Solaiman, Chief of Police, Gen Salipada K Pendatun Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Salman H Sapal, Provincial Director ng del Sur Police Provincial Office, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang pamamahagi ng relief goods ay ang agarang aksyon ng kapulisan sa mga residente na apektado ng tubig-baha.

“Ang gawaing ito ay hindi lamang tungkol sa pamamahagi ng tulong; ito ay pagbibigay ng pag-asa at pangunahing suporta para sa ating mga kababayan na humaharap sa mahihirap na pagkakataon.” pahayag ni PCol Sapal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *