Hatid ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Police Brigadier General Joseph R Arguelles, Regional Director, ang relief operation bilang tugon sa pangangailangan ng mga residenteng lubhang naapektuhan ng malakas na lindol sa Purok Molave, Barangay Santiago, Caraga, Davao Oriental nito lamang Sabado, Oktubre 11, 2025.

Agad na nakatanggap ng food packs ang mga pamilyang apektado ng lindol mula sa kapulisan at naging tagapagbantay sa kapayaan, kaayusan at crowd control upang lahat ay mabigyan ng agarang tulong.

Sa tulong ng mga lokal na opisyal ng barangay at munisipyo ay naging matagumpay ang implementasyon ng nasabing aktibidad at nanawagan na maging alerto, mapagmatyag at sumunod sa utos ng pamahalaan upang maiwasan na mapahamak.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *