Timbog ang isang estudyante na tinaguriang Top 4 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong paglabag sa RA 10833 (New Anti Carnapping Law) sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Upper Golden Shower, Brgy. Balangasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang Oktubre 14, 2025.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Manuel”, 21 anyos, lalaki, estudyante at residente ng naturang lugar.
Dinakip ang suspek sa bisa Ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10833 (New Anti Carnapping Law) na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga P300,000.00.
Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.