Patay ang mag-amang miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF habang sugatan naman isa pang babaeng anak nito matapos pinagbabaril sa Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Kumander Boy Negro”, MNLF Sema Faction Commander; alyas “Norodin”, BPAT member, nasawi; at alyas “Jahara”, sugatan sa pamamaril.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na habang sakay ng payong-payong ang mga biktima patungong Barangay Kapinpilan upang dumalo sa isang selebrasyon ay bigla na lamang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng honda XRM na nagresulta sa agarang pagkakasawi ng mag-amang biktima.
Kaagad namang nakatakas ang mga suspek matapos ang ginawang krimen.
Agad ding naisugod sa pagamutan ang sugatang babaeng anak ng biktima, matapos magtamo rin ng tama ng bala upang mabigyan ng paunang lunas.
Patuloy ang hot pursuit operation ng PNP para matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga salarin sa likod ng krimen.