Niratrat ang bahay ng isang retiradong sundalo sa Sitio Labo, Barangay Tugal, Kadayangan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nito lamang gabi ng Huwebes, Oktubre 16, 2025.

Kinilala ang biktima na isang 56 anyos, dating kasapi ng Armed Forces of the Philippines.

Nabatid na naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang pina-ulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang mga suspek at agad na tumakas matapos ang insidente.

Tinamaan ng mga bala ang ilang bahagi ng bahay at mga nakaparadang sasakyan sa labas ngunit walang nai-ulat na nasaktan sa pangyayari.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo sa likod ng insidente ng pamamaril.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *