Hindi ko inasahan na darating ang ganitong araw. Parang kailan lang, magkausap tayo, nagtatawanan, at paulit-ulit nating binabanggit na “Every soul shall taste death.”


Ngayon, dumating na nga ang panahon na iyon, at iniwan mo kami nang labis na pangungulila.

Inna lillahi wa inna ilayhi raji’un.
Tunay kang bayani, DATU — isang mandirigmang hindi umatras sa tungkulin, isang kapatid na laging handang tumulong, at isang kaibigan na may busilak na puso.

Ang iyong katapangan, kababaang-loob, at dedikasyon sa serbisyo ay mananatiling inspirasyon sa aming lahat.

Hindi ka man na namin makikita, pero ang iyong alaala at mabuting halimbawa ay mananatili sa bawat isa sa amin.
Pahinga ka na, DATU — natapos mo nang may dangal ang laban….We miss you DATU

FB post ni Kidlat ng Mindanao

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *