Sumuko ang 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Bungos Faction at Dawlah Islamiya Hassan Group sa mga awtoridad sa Brgy. Kabingi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang Nobyembre 17, 2025.
Hindi na pinangalanan ang mga naturang nagbalik-loob sa pamahalaan para sa kanilang seguridad at agad na nakatanggap ng financial assistance at sako-sakong bigas bilang agarang tulong mula sa pamahalaan.



Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din ng kanilang mga iba’t ibang kalibre ng matataas na armas.
Patuloy ang pamahalaan katuwang ang militar at PNP sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa sa tulong ng mamamayan upang labanan at matuldukan ang anumang uri ng krimen at insurhensya.