Pinangunahan ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 ang bloodletting activity sa Camp 1st Lt Vicente G. Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Nobyembre 18, 2025.
Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health Region 10 naging matagumpay ang naturang aktibidad.
Ito ay isinagawa upang makalikom ng karagdagang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transfusion, lalo na sa mga emergency cases at operasyon.


Bukod sa pagbibigay ng dugo, layunin din ng programa na hikayatin ang mas maraming mamamayan na maging regular na blood donors.
Ayon sa kinatawan ng DOH 10, malaking tulong ang aktibong partisipasyon ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP sa mga ganitong aktibidad.
Patunay ng kanilang malasakit hindi lamang sa kaligtasan ng publiko kundi pati sa kalusugan at kabutihan ng komunidad.

