Sugatan ang isag binatang motorista sa pananambang ng riding-in-tandem sa Sitio Tampat, Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte bandang 7:00 ng gabi nito lamang Nobyembre 20, 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas “Nur”, residente ng Tamontaka Mother, Cotabato City.
Nabatid na tinatahak ng biktima ang kahabaan ng national highway mula Dalican patungong Cotabato City nang sundan ng riding-in-tandem at pinagbabaril.

Nagtamo ng sugat ang biktima at agad na dinala ng mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa Cotabato Regional Medical Center para sa atensyong medikal.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala at patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP upang malaman ang motibo at suspek sa likod ng pamamaril.