Isinagawa ang ceremonial destruction sa 271 loose firearms kaugnay sa Small Arms and Light Weapons o SALW Management Program sa Provincial Capitol sa Buluan, Maguindanao del Sur nito lamang Huwebes, Nobyembre 27, 2025.

Ang kabuuang 271 loose firearms ay isinuko mula sa 15 bayan ng lalawigan.

Isinagawa ang pampublikong pagsira ng armas bilang patunay ng seryosong pagpapatupad ng programa ng pamahalaan katuwang ang AFP at PNP.

Samantala, nakakuha naman ng cash assistance, bigas, at livelihood support ang mga nagbalik ng armas mula sa pamahalaang panlalawigan, OPAPRU, at ASPIRE program.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *