Ganap ng inilipat ang mga illegal settlers sa ilalim ng Marcos Bridge matapos tanggalin ang mga ilegal na istruktura na kanilang itinayo sa isinagawang clearing operation ng Task Group Demolition sa Marcos Bridge, Cagayan de Oro City nito lamang ika-5 ng Abril 2024. 

Ayon kay Antonio Resma Jr., TG Demolition head, nakasaad na mayroong 17 pamilya ang naninirahan sa ilalim ng nasabing tulay batay sa profiling ng City Housing and Urban Development Department (CHUDD).

Samantala, nabatid na lima sa kanila ang nabigyan na ng relokasyon sa iba’t ibang relocation sites sa lungsod kaya naman dinala na ng Task Group Demolition sa kinalalagyan ng kanilang bahay na ibinigay ng lungsod ang mga gamit ng bawat pamilya.

Habang ang 12 na pamilya ay inihatid sa kung saan sila magpapahatid gamit ang sasakyan ng City Engineer’s Office.

Para masigurado na hindi na babalik ang mga illegal settlers sa ilalim ng Marcos Bridge, isasara at babakuran ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH-10) lalo pa’t may nasimulan na silang proyekto at para hindi na magambala ang pagtatrabaho sa nasabing proyekto.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *