Inanunsyo ni Honorable Alexander “Ayec” Pimentel, Gobernador ng Surigao del Sur ang isang Php1,000,000 pabuya matapos mabiktima ng fake news nito lamang Abril 3, 2024.
Ayon kay Gov. Pimentel, nilinaw na fake news ang kumakalat online sa isang facebook page: “Surigao del Sur Ngayon” na pinatay umano ang gobernador at ang pagpapakalat ng maling impormasyon na may Pertussis Outbreak sa nasabing lungsod.
Ayon pa kay Gov. Pimentel, nag-alok ng isang milyon sa makapagtuturo sa likod ng pagpapakalat ng fake news at namamahala sa Facebook page na “Surigao del Sur Ngayon”.
Dagdag pa nya, hindi lang isa o dalawang tao ang nabiktima nito at hindi lang isang beses o dalawang beses itong ginawa, dahil maraming beses na itong nagpo-post ng maling impormasyon sa social media na walang tamang pamantayan na maaaring makapagdulot ng gulo at kalituhan sa mga mamamayan sa nasabing lalawigan.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng kapulisan sa insidente at muling pinaalala ng PNP CARAGA sa publiko na maaring kasuhan ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon sa ilalim ng Republic Act 10175 (Anti-Cybercrime Law) o sa ilalim ng Section 6 (f) ng Republic Act 11469 (Bayanihan to Heal As One Act).
Panulat ni Karen A Mallillin