Nagsagawa ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Serbisyong Totoo Medical Mission Program sa Barangay New Bugasong, Matalam Cotabato nito lamang ika-3 ng Abril 2024 kung saan 342 na mga residente ang nabigyan ng libreng serbisyo medikal.

Mula sa nabanggit na bilang, 205 ang nabigyan ng libreng medical check-up, habang 24 naman ng libreng dental services, habang 46 na batang lalaki naman ang sumailalim sa libreng tuli at 57 naman ang nabahagian ng masustansyang pagkain sa feeding program.
Parte rin ng nasabing programa ang pagbibigay ng kaukulang interbensyon sa mga batang may kakulangan sa timbang na kung saan 10 malnourished children ang binigyan ng complementary food packs.

Sa pamamagitan ng nasabing programa ipinakita ng pamahalaan ang malasakit at kahalagahan ng kalusugan sa bawat pamilyang CotabateƱo.