Nagdeklara ng war against illegal drugs si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte nito lamang ika-22 ng Marso, taong kasalukuyan.

Sa kanyang mensahe ay maliwanag niyang hinikayat ang lahat ng sangkot sa ilegal na droga na tumigil na sapagkat aniya ay hindi nila pinapahintulutan ang ganyang aktibidad sa Davao.

Sa loob lamang ng ilang oras matapos magdeklara si Davao City Mayor ay nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Buhangin Police Station ang shabu na nagkakahalaga ng Php748,000 mula sa Top 1 City Level Drug Personality na si alyas “Win” na nasawi sa nasabing operasyon matapos manlaban.

Dagdag pa dito, aabot na sa pito ang nasawi sa buy-bust operation sa magkakaibang okasyon limang araw matapos ang deklarasyon. Kaugnay nito, ipinahayag din ng Davao PNP na ang buy-bust operation ay dati na nilang ginagawa.

Sa katunayan ay aabot na sa dalawampu’t-walo ang nawalan ng buhay mula Enero hanggang kasalukuyan sa laban kontra ilegal na droga.

Ang deklarasyon ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa War Against Illegal Drugs ay naghatid ng pangamba sa ilang kasali kabilang ang Commission on Human Rights ngunit binigyang-diin din ng PNP na ang Police Operational Procedures pa rin ang permanenteng mananaig.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *