Magkatuwang na namahagi ng libreng ayuda ang Lokal na Pamahalaan ng Pagalungan at Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao Del Sur sa mga residente ng Pagalungan, Maguindanao del Sur noong ika-24 ng Marso, 2024.
Ipinamahagi sa nasabing aktibidad ang relief packs at Sajada o Prayer Rugs kung saan labis naman ang pasasalamat ng mga residente na nakatanggap ng libreng ayuda dahil ito ay makakatulong para kanilang Iftar at ang Sajada naman ay magagamit sa kanilang pagdarasal.
Bago pa man ang nasabing pamamahagi ay nagkaroon muna ng sabay-sabay na Taraweeh Prayer upang mag-ukol ng oras sa pagdarasal at pagbigkas ng Quran.
Pasasalamat naman ang naging pahayag ni Pagalungan Vice Mayor Datu Abdilah “Ab’s” G. Mamasabulod ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao Del Sur sa relief efforts ng mga ito.