Mainit ang naging pagtangkilik ng mga mag-aaral at guro mula sa dalawang paaralan sa bayan ng Arakan sa “Bookmobile Library Services Program” na isinagawa sa Bayan ng Arakan, Cotabato nito lamang ika-5 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza ang naturang aktibidad.
Kabilang sa binisita nito ang Ganatan Elementary School at Meocan Elementary School kung saan 369 na mga estudyante ang naaliw at natuto ng bagong kaalaman sa mga aktibidad ng Provincial Library tulad ng “puzzle making”, “reading time” at nakagamit ng “tablet at talking pen”.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga punong-guro ng mga nabanggit na paaralan na sina Mayonito E. Terado mula sa Ganatan ES at Fe P. Lobo mula naman sa Meocan ES.
Ang naturang programa ay naglalayong maisulong ang pantay na edukasyon para sa lahat, at mas paigtingin ang literacy development ng mga kabataan.