Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay boluntaryong nagbalik-loob ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga del Sur nito lamang Abril 29, 2024.

Ayon sa report, ang nagbalik-loob ay si alyas “Rito”, 57 taong gulang  at residente ng Purok 6 Barangay Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur na agad namang nakatanggap ng ilang sakong bigas mula sa lokal na pamahalaan.

Tiniyak din ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga del Sur na makakatanggap pa ang sumuko ng karagdagang tulong pangkabuhayan mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kabilang na ang pagkakaroon ng cash incentives, educational assistance at paglahok sa mga livelihood programs na magagamit niya sa pagbabagong buhay.  

Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.

Panulat ni JM

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *