Inilunsad na ang Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II sa Cotabato at Maguindanao noong ika-29 ng Abril 2024.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang naturang aktibidad katuwang si Hon. Benjamin C Abalos, Jr., Secretary ng Department of Interior and Local Government at iba pang opisyales ng rehiyon.

Inaasahang makikinabang ang mahigit 4,000 na pamilya at residente sa nasabing proyekto kasama na ang mga dating Moro Islamic Liberation Front combatant o MILF.

Layunin ng proyekto na makapaghatid ng irigasyon sa mahigit 10,000 na ektarya ng lupang sakahan sa nasabing lugar para makatulong sa mga magsasaka.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *