Nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ng “Serbisyong Totoo Medical-Dental Mission” sa Barangay Tomado, Aleosan, Cotabato nito lamang ika-30 ng Abril 2024.

Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang naturang aktibidad katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato.

Tampok sa aktibidad ang libreng pagpapakonsulta, dental check-up, lecture para sa mga buntis at pamamahagi ng libreng gamot sa daan-daang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), 319 na mga residente ang naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad kung saan 224 ang nakakuha ng libreng medical check-up, 42 na mga batang lalaki ang sumailalim sa libreng tuli at 21 naman para sa libreng bunot ng ngipin. Samantala, nagkaroon din ng HIV testing sa limang (5) babaeng buntis.

Bukod pa rito ay nagsagawa rin ng feeding program ang IPHO kung saan 58 na mga residente ang naging benepisyaryo nito at 11 bata naman na kabilang sa “malnourished children” ang makakatanggap ng “complementary food package” bilang bahagi ng “dietary supplementation” sa loob ng tatlong (3) buwan. 

Layunin ng pamahalaan na mapaabot ang mga serbisyo publiko sa mga mamamayan gaya ng medical at dental upang makatulong sa ating mga kababayan lalo na sa usaping pangkalusugan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *