Sa patuloy na pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tuluyang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group nito lamang Abril 28, 2024.
Ang sumuko ay kinilala na si alyas “Pasyo”, 62 at residente ng Purok 6, Barangay Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur na miyembro ng Hingpit Organisadong Masa o Trusted Strong Mass Supporter sa Sangay Partido sa Lokalidad.
Agad namang binigyan ng cash assistance at food packs ang sumuko matapos ang isinagawang oath of allegiance na pinangunahan ng Municipal Task Force ng ELCAC bilang Solemnizing Officer.
Dahil rito, hinimok pa ng mga gobyerno ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na kanilang iniaalok sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya.