Nagsagawa ng Year-End Relief Operation ang Local Government Unit Cotabato sa M’lang, Cotabato nito lamang ika-19 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ni Gov. Lala Mendoza, ang naturang aktibidad katuwang ang kawani ng LGU Cotabato.

Umabot sa 30,365 na mga pamilya mula sa 37 na mga barangay ang nakatakdang tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas.

Ang naturang distribusyon ay layunin tulungan ang mga Cotabateรฑong higit na nangangailangan na maibsan ang kanilang alalahanin lalo na sa gastusin sa pagkain.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *